-- Advertisements --

Kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Myanmar, na labis na nakaapekto sa mga serbisyong pangkalusugan at naglagay sa libu-libong tao sa panganib ng matinding pinsala at sakit, kinakapos ng medical aid ang mga biktima ng trahedya.

Agad nang tumugon ang World Health Organization (WHO) sa pinakamataas na antas, kung saan nagpadala ng halos tatlong toneladang kagamitang medikal sa loob ng 24 oras at nagko-coordinate sa Global Emergency Medical Teams.

Nangangailangan ang WHO ng US$ 8 milyon o katumba ng halos kalahating bilyong piso para makapagbigay ng pangunang lunas, maiwasan ang pagkalat ng sakit, at maibalik ang mga serbisyong pangkalusugan sa loob ng 30 araw.

Ang suporta ng mga donor ay napakahalaga upang masagip ang buhay at maibigay ang kinakailangang tulong sa mga pinaka-apektado.

Hinihikayat ng WHO ang lahat na tumulong ngayon upang mapanatili ang kalusugan, maiwasan ang mga outbreak, at tiyaking maaabot ang mga nangangailangan.