-- Advertisements --
IVERMECTIN NEWS MEDICAL
IMAGE | Anti-parasitic drug Ivermectin/Novikov Aleksey, Shutterstock

MANILA – Pumagitna na ang World Health Organization (WHO) sa pagtatalo ng medical community at publiko tungkol sa paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa mga pasyente ng COVID-19.

Sa isang statement sinabi ng WHO na “inconclusive” o hindi pa sapat ang mga ebidensya para masabing epektibo sa mga kumpirmadong kaso ng coronavirus ang nasabing gamot.

“The current evidence on the use of Ivermectin to treat COVID-19 patients is inconclusive.”

“Until more data is available, WHO recommends that the drug only be used within clinical trials.”

Ayon sa WHO, isang independent panel ng international experts ang nag-aral sa datos ng 16 na randomized controlled clinical trials ng Ivermectin.

Nadiskubre raw ng mga eksperto na “very low certainty” o mababa ang tsansa na mabawasan ng naturang anti-parasitic drug ang posibilidad ng pagkamatay ng isang COVID-19 patient.

“(Also) need for mechanical ventilation, need for hospital admission and time to clinical improvement… due to the small sizes and methodological limitations of available trial data, including small number of events.”

“The panel did not look at the use of ivermectin to prevent COVID-19, which is outside of scope of the current guidelines.”

Ayon sa United Nation’s health agency, ginagamit para sa treatment ng “onchocerciasis” o river blindness ang Ivermectin. Pati na sa “strongyloidiasis,” scabies, at iba sakit na dulot ng “soil transmitted helminthiasis.”

Naglabas na ng guidelines ang WHO para sa paggamit ng Ivermectin at iba pang pinag-aaralang COVID-19 therapeutics.

Nakapaloob sa dokumento ang rekomendasyon sa paggamit ng systematic corticosteroids sa mga severe at kritikal na COVID-19 patients.

“With a conditional recommendation against their use in patients with mild/moderate COVID-19.”

May “conditional recommendation” naman ang health agency sa paggamit ng remdesivir at low dose ng anticoagulants sa hospitalized patients.

“We suggest the use of low dose anticoagulants rather than higher doses, unless otherwise indicated.”

Habang mariin ang pagtutol ng WHO sa pagre-reseta ng hydroxychloroquine at lopinavir/ritonavir sa confirmed cases.

Dito sa Pilipinas, ikinakampanya ng ilang kongresista at negosyante ang paggamit ng Ivermectin kahit binigyang diin ng local health experts at scientists na hindi pa napapatunayang epektibo ito laban sa COVID-19.