Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magsanib pwersa ang ibat ibang ahensiya ng pamahalaan para bumalangkas ng whole-of-government strategy para tugunan ang El Niño phenomenon.
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbuo ng El Niño Teampara tugunan ang inaasahang hindi magandang epekto ng El Niño.
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang isang sectoral meeting sa Malakanyang kanina na dinaluhan ng Office of Civil Dfense, PAGASA at National Irrigation Administration (NIA).
Sa nasabing pulong, sumentro ang pagtalakay sa magiging sitwasyon ng suplay ng tubig at enerhiya sa panahon ng El Nino phenomenon.
Ayon kay Office of Civil Defense Usec Ariel Nepomuceno na inatasan sila kasama ang ilang piling ahensiya ng pamahalaan na bumuo ng el nino team.
Ito ang tututok sa pagtugon sa mga hakbang para matugunan ang posibleng banta ng el nino sa suplay ng tubig, enerhiya, kalusugan at agrikultura.
Ayon kay Nepomuceno malinaw ang utos ng pangulo na palakasin ang mga paghahanda para sa inaasahang masamang epekto ng el Nino.
Saklaw aniya ng mga paghahandang ito ang public awareness campaign para ipaalam sa publiko ang mga dapat gawin upang makontra ang negatibong epekto ng el nino, kasama aniya sa kailangan nilang puntahan at bigyan ng impormasyon ang mga eskwelahan.
Ayon kay Nepomuceno kasama sa kanilang ibabahaging impormmasyon sa publiko at mga eskwelahan ay ang tamang pagtitipid o tamang paggamit ng tubig at enerhiya.