-- Advertisements --

Sisimulan na ng Indonesia sa January 13 ang kanilang nationwide COVID-19 mass vaccination program.

Si Indonesian President Joko Widodo ang bibigyan ng pinakaunang magagawaran ng bakuna sa gagawing paglunsad ng program sa Jakarta, Indonesia.

Una nang inanunsiyo ng gobyerno ng Indonesia na aabot sa 1.3 million frontline workers ang itinakdang unang makakatanggap ng pinakaunang bakuna mula sa China’s Sinovac Biotech.