-- Advertisements --

Trending ang wikang tagalog matapos maipalabas sa netflix ang blockbuster movie na Space Sweepers ng South Korean actor na si Song Joong Ki kung saan overall no.1 in the world ito ngayon.

Dinodomina ng Korean actors ang nasabing film na naka set sa Korea, sa earth at sa space sa taong 2092 kung saan nakikipag ugnayan ang mga tao mula sa iba’t-ibang bansa sa tulong ng portable translator habang gumagawa ng paraan na mag survive sa nasisira ng mundo kung saan isa nga ang tagalog na ginamit na salita ng mga karakter.

Bukambibig sa mga social media plaforms ang klase ng produksiyon ng pelikula na may budget of $21.5 million o mahigit sa P1.032 billion.

Sa panayam ng Star FM Bacolod sa Award winning Pinoy character actor na si Mon Confiado, bilang napasama siya South Korean movie na The golden holiday, ay masasabi niyang hindi nagdadalawang isip na gumastos ang Koreans para mas maganda ang pelikulang ipapalabas nila at nasaksihan din niya na isa ang Pilipinas na paboritong isali sa kanilang palabas katulad nalang sa pag promote ng mga magagandang lugar dito sa bansa.

Ang mga bansa kung saan trending at no. 1 sa netflix ang Space sweepers ay ang Philippines, Belgium, Bulgaria, Croatia, Estonia, Finland, France, Latvia, Lithuania, Malaysia, Montenegro, Serbia, Slovakia, Slovenia, South Korea at Ukraine.

No. 2 sa Czech Republic, Denmark, Hong Kong, Hungary, India, Norway, Poland, Russia, Sweden, Switzerland, Thailand, Turkey at Vietnam, No. 3 sa Canada, No. 6 sa UK at No. 7 sa US.

Ang“Space Sweepers” ay overall No. 1 movie in the world sa Netflix sa Feb. 6 ranking, ayon sa FlixPatrol. Sinundan ito ng “Finding ‘Ohana,” “The Dig,” “Below Zero” at “All My Friends are Dead.”