-- Advertisements --
LONDON – Arestado na ang Wikileaks co-founder na si Julian Assange dahil sa sari-saring usapin na kinakaharap nito.
Si Assange ay nadakip habang nasa Ecuadorian embassy sa London.
Nabatid na nagpasaklolo ito dati sa embahada, pitong taon na ang nakakaraan para makaiwas sa extradition sa Sweden para sa sexual assault case na kinakaharap.
Ayon sa metropolitan police, mananatili muna sa kostudiya nila si Julian, bago ito ihaharap sa mga mahistrado ng Westminster Court.
Matatandaang maraming tagong detalye ang nailantad ng Wikileaks, kasama na ang ilang impormasyon sa Pilipinas na nakuha umano sa embahada ng Amerika na nasa Maynila. (BBC)