ILOILO CITY- Nagpadala ng sulat ang wikileaks founder na si Julian Assange kay King Charles III kasabay ng koronasyon ng bagong hari ng Britanya.
Sa nasabing sulat, hiniling ni Assange sa hari na bisitahin ang United Kingdom prison kun saan nakakulong ito sa mahigit sa apat na taon.
Ayon kay Bombo Denmark Suede, ang nasabing sulat ay ang pinakaunang dokumento ng Australian journalist at WikiLeaks na naisulat at na publish simula nang pinasako ito sa Belmarsh prison sa London kung saan ibinahagi rin nito ang nakakatakot niyang karanasan sa loob ng bilangguan.
Si Assange, na isang Australian citizen, ay nananatili sa Belmarsh habang nakikipaglaban sa United States attempt upang i- extradite ito at harapin ang mga kaso kaugnay sa pagsapubliko nito sang libo-libong mga leaked documents tungkol sa war crimes na Estados Unidos sa Afghanistan at Iraq.
Wanted ito sa pag violate ng US Espionage Act at maaaring maharap sa 175 na taong pagkabilanggo.