-- Advertisements --

Patuloy ang patusadahan nina Deontay Wilder at Tyson Fury isang araw bago ang kanilang ikatlong heavyweight fight sa Las Vegas.

Sa kani-kanilang social media ay nagbatuhan ang dalawang boksingero ng mga kantiyaw.

Unang sinabi ng 35-anyos na dating heavyweight champion na si Wilder na kaya niyang patumbahin si Fury sa loob ng tatlong rounds.

Tinawanan lamang ng 33-anyos na si Fury ang naging prediction na ito ni Wilder at sinabing patunayan na lamang daw ito sa ibabaw ng boxing ring.

Mayroong record si Fury na 30 panalo at wala pang talo at mayroong isang draw at 21 knockouts habang si Wilder ay may record na 42 panalo, isang talo, isang draw at 41 knockouts.

Sa unang paghaharap kasi ng dalawa noong Disyembre 2018 ay nagtapos sa split draw ang laban habang sa ikalawang paghaharap noong Pebrero 2020 ay pinatumba ni Fury si Wilder sa ikalimang rounds.