-- Advertisements --
Tuloy na tuloy na ang inaabangan rematch nina undefeated WBC champion Deontay Wilder at Tyson Fury.
Gaganapin ito sa Pebrero 22, 2020 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Sinabi ni Wilder na sabik na ito dahil ito ay matutuloy na.
Tiniyak naman ni Fury na magiging madugo ang nasabing muling pagkikita nila.
Magugunitang sa unang laban ng dalawa noong December 1, 2018 sa Staples Center sa Los Angeles ay napanatili ni Wilder ang kaniyang titulo sa pamamagitan ng split draw.