Nabasag ng laban nina Deontay Wilder at Tyson Fury ang gate record sa heavyweight fight sa Las Vegas.
Umabot kasi sa kabuuang $16,916,440 ang ticket sales sa 15,816 crowd capacity ng MGM Grand.
Nahigitan nito ang heavyweight fight sa Nevada nina Lennox Lewis at Evander Holyfield na mayroong $16,860,300 kung saan panalo si Lewis sa pamamagitan ng unanimous decision.
Magugunitang pinatumba ng tatlong beses ni Fury si Wilder sa ikatlo at ikalimang round para makuha ang WBC world heavyweight title.
Sa unang paghaharap kasi ng dalawa noong 2018 ay naging draw ang resulta.
Nangunguna pa rin ang laban nina Floyd Mayweather at Manny Pacquiao sa may pinakamaraming ticket sales na aabot sa $72,198,500 na sinundan ng laban ni Mayweather kay Conor McGregor na mayroong $55,414,865.79 na kinita.