-- Advertisements --

Ikinasawi ng hindi bababa sa 51 katao ang wildfire sa Chile, na nag-iwan ng mga naabong bahay, at mga bangkay sa kalye, habang patuloy na kumakalat ang apoy ngayong linggo at may inaasahan pang pagtaas sa bilang ng mga nasawi.

Nag-atas ang Pangulo ng Chile na si President Gabriel Boric ng state of emergency sa gitna at timog na bahagi ng bansa dahil sa naturang sakuna.

Nabalot naman ng makapal na kulay abong usok ang lungsod ng Vina del Mar ng Valparaiso tourist region, sa kahabaan ng baybayin ng central Chile, na nagpilit sa mga residente na lumikas.

Sinabi ni Boric na tataas ang bilang ng mga biktima, at nangangako na susuportahan ng gobyerno at tutuungan ang mga tao na makabangon muli.

Samantala, nagpataw naman ang mga awtoridad ng curfew simula 9:00 pm Sabado (0000 GMT Linggo), upang payagan ang mga emergency supply — lalo na ang gasolina — sa mga apektadong lugar.

May mga bagong evacuation order din na inilabas, kahit na nanatiling hindi malinaw kung gaano karaming tao ang sinabihang lumikas.