-- Advertisements --

Inilikas na ng mga awtoridad ang nasa mahigit 12,200 katao mula sa Gironde region sa bahagi ng Timog-kanluran ng bansang France.

Ito ay matapos na kumalat pa ang wildfires sa lugar kung saan halos 10,000 ektarya na ng rehiyon ang nasunog mula sa 7,300 ektaryang una nang napaulat noong Biyernes.

Sa isang statement ay sinabi ng regional authorities ng Nouvelle-Aquitaine at Gironde na nagpadala na sila ng nasa mahigit 1,000 mga bumbero para kontrolin ang nasabing sunog na dulot naman ng matinding init ng panahon doon ngayon.

Samantala, sa ngayon ay pansamantala munang hinarangan ng mga awtoridad ang access sa forested area para sa mga professional at leisure activities.

Matatandaang unang sumiklab ang mga wildfire sa France at gayundin sa iba pang mga bahagi ng Europa tulad ng Portugal at Spain sa nakalipas na ilang linggo nang dahil sa nararanasang pagtaas ng temperatura na tumupok naman at patuloy na kumakalat sa libu-libog ektarya ng mga lupain at kagubatan doon.

MATATANDAANG UNANG SUMIKLAB ANG MGA WILDFIRE SA FRANCE AT GAYUNDIN SA IBA PANG MGA BAHAGI NG EUROPA TULAD NG PORTUGAL AT SPAIN SA NAKALIPAS NA ILANG LINGGO NANG DAHIL SA NARARANASANG PAGTAAS NG TEMPERATURA NA TUMUPOK NAMAN AT PATULOY PANG KUMAKALAT SA LIBU-LIBONG EKTARYA NG MGA LUPAIN AT KAGUBATAN DOON.