Sumiklab ang isang wildfire sa bahagi ng Purok 1, Brgy.Pundaquit sa San Antonio, Zambales gabi ng Lunes, Marso 10.
Batay sa residente sa lugar, mabilis na kumalat ang apoy mula sa kabundukan pababa sa nasabing lugar.
Nagumpisa naman ang apoy bandang hapon kahapon na hindi naman inakala ng mga residente na tatagal at lalaki kung saan maaapektuhan ang halos hanggang baybayin ng lugar.
Samantala, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa Zambales, normal ang pagkakaroon ng wildfire sa bahaging ito lalo na kung sobrang init at tuyong-tuyo ang mga damo rito.
Sa ngayon, ay naapula na ang apoy kung saan pasado 11:20pm ng gabi naideklara na itong fire under control.
Patuloy naman ang BFP sa imbestigasyon kung ano ang pinagmulan at sanhi ng sunog at ang kabuuang naiuwang pinsala nito.