-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Maraming bahay na ang nasunog sa ilang estado sa kanlurang bahagi ng amerika dahil sa wildfires.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Jon Melegrito, News Editor ng isang pahayagan sa Washington D.C. na masyado ng mainit ngayon sa mga estado sa Western part ng Amerika kaya patuloy ang nararanasang wildfires na nagsimula pa noong unang linggo ng Hulyo.
Umaabot na sa 117°C ang temperatura sa California at Oregon at hanggang ngayon ay wala pang ulan kaya tuyong-tuyo na ang mga kagubatan.
Aniya, aabot na sa 2,000 ang lumikas sa Oregon at marami ng bahay ang nasunog.
Sa ngayon ay aabot na sa 6,000 square kilometers ang nasunog sa western states.