BUTUAN CITY – Patuloy pa rin ang pag-aapula ng mga bumbero sa California sa wildfires na sa ngayo’y lumamon na ng 7,000-acres na lapad ng kagubatan at mga propiedad at halos 3 ka buwan ng lumiliyab.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng Butuanon na si Marlon Buque na nakatira na ngayon sa California sa loob ng iilang taon, inihayag nitong dahil sa naturang wildfires ay itim na ang makikita nila sa kalangitan dahil sa kapal ng usok.
Sa ngayo’y halos 50-porsiento na umano sa naturang lugar na nilalamon ng apoy ang napatay na ng mga fire fighters sa tulong na rin ng apat na mga eroplanong kasing laki ng Boeing 747.
Ang kanila ngayong ikinababahala ay ang posibleng pagdating ng mga wild animals sa kanilang komunidad gaya ng mga ahas.