-- Advertisements --
Nakakaranas ngayon ng malawakang wildfire ang kabunduan ng Brgy. Pundaquit sa San Antonio, Zambales.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Zambales, na nitong gabi ng Lunes ng magsimula ang nasabing sunog.
Maaring matigil lamang ang pagkalat ng sunog kapag nakarating na ito sa paanan ng bundok dahil ito ay ilog.
Tuloy-tuloy din ang ginagawang pag-apula ng mga otoridad at inaalam din nila ang pinagmulan ganun din kung magkano ang naging damyos.