Hindi pinayagan ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) si William Navarro na maglaro sa South Korea.
Ayon kay SBP spokesperson at execuitve director Sonny Barrios na nasasaad sa kasalukuyang kontrata nito sa PBA team at sa Gilas Pilipinas ay ipinagbabawal siyang makapaglaro sa ibang liga.
Dagdag pa nito na kanilang nirerespeto ang pagnanais ng ilang manlalaro na maghanap ng mas malagong liga para sa kanilang paglalaro subalit kailangan din nilang igalang ang anumang kontrata na kanilang pinasok sa mga koponan.
Una ng humingi ng clearance ang Korean Basketball Association (KBA) sa FIBA ng Letter of Clearance (LOC) para kay William Raniel Navarro para siya ay makapaglaro sa Samsung Thunders.
Taong 2021 ng isali ng NorthPort si Navarro sa kanilang PBA Rookie Draft subalit hindi pa ito nakapaglaro sa koponan.
Mula pa kasi noong 2020 ay naglaro na ito ng 13 beses sa Gilas Pilipinas.