-- Advertisements --

Gaganap sa pelikula bilang ama ng tennis sisters na sina Venus at Serena Williams ang Hollywood actor na si Will Smith.

Ang pelikulang “King Richard” ay tatalakay kung paano pinalaki ni Richard Williams ang dalawang atleta nitong anak.

Ibabahagi dito kung paano tinuruan ng ama ang magkapatid na sikat na tennis players ng US.

Kapwa executive producers ng pelikula ang magkapatid na Williams.

Kinuha naman si Saniyaa Sidney na magiging si Venus habang si Demi Singleton ay gaganap bilang si Serena at gaganap bilang ina nila na si Oracene “Brandi” Williams ang actress na si Aunjanue Ellis.

Nakatakdang ipalabas ang nasabing pelikula asa darating na Nobyembre 19.