-- Advertisements --

(3rd Update) Emosyonal na nagpaliwanag ang American actor na si Will Smith kasunod ng nilikhang kontrobersya sa ginanap na 94th Academy o mas kilala bilang Oscar Awards sa Los Angeles kaninang umaga, oras sa Pilipinas.

Sa naturang prestihiyosong seremonya, nasungkit ni Smith ang kanyang unang Oscar trophy bilang best actor para sa pagganap sa sports drama film na “King Richard.”

“I want to apologize to the academy. I want to apologize to all my fellow nominees. This is a beautiful moment and I’m not crying for winning an award,” bahagi ng acceptance speech ng 53-year-old 1st time Oscar winner.

Ugat ng paghingi nito na paumanhin ay matapos sugurin sa stage ang kapwa comedian actor na si Chris Rock upang sapakin dahil sa hindi nagustuhang biro sa pagiging kalbo ng kanyang misis na si Jada.

Tila nasubok ang temper nito sa kanyang karakter sa “King Richard” kung saan “fierce defender” ng kanyang pamilya ang papel bilang Richard Williams.

Nabatid na dumadanas ng alopecia o hair loss si Jada kaya piniling magpakalbo na lamang simula noong nakaraang taon.

Sa panig naman ng nasapak na si Rock, inihayag umano ng Los Angeles Police Department (LAPD) na tumanggi na itong idemanda si Smith.

“LAPD investigative entities are aware of an incident between two individuals during the Academy Awards program. The incident involved one individual slapping another. The individual involved has declined to file a police report. If the involved party desires a police report at a later date, LAPD will be available to complete an investigative report.”

Samantala, kasabay ng pagbati ng pamunuan ng Academy ay iginiit ng mga ito na hindi nila kinukunsinti ang anomang uri ng karahasan sa kanilang event.

Oscars on Will Smith

Una nang naiulat na iniuwi ng comedy-drama film na CODA (Child of Deaf Adults) ang top prize bilang Best Picture, habang big winner naman ang Science-fiction movie na “Dune” matapos humakot ng anim na parangal mula sa 10 nominasyon nito.

Wagi rin ang “Encanto” bilang Best Animated Feature Film. (eonline/variety/latimes)