Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si William Dar bilang bagong Agriculture secretary kapalit ni Sec. Manny Piñol.
Kinumpirma ito ng source na malapit kay Pangulong Duterte.
Si Dar, 66, ay isang international administrator at dating director general ng ICRISAT.
Siya ay dating DA secretary na rin noong panahon ni dating Pangulong Erap Estrada.
Si Dar ay tubong Santa Maria, Ilocos Sur.
Sinasabing agad din itong ipinatawag ng Palasyo nitong Lunes ng hapon para pormal na manumpa.
Ilang miyembro ng gabinete ng Pangulong Duterte ang ipinagmalaki si Dar dahil sa kuwalipikasyon nito at eksperyensiya sa loob at labas ng bansa pagdating sa usapin ng agrikultura.
Samantala, kinumpirma rin ng source na pormal nang uupo si Piñol bilang bagong chairman ng Mindanao Development Authority (MinDA).