Tumipon ng 33 points at 10 assists si Lou Williams mula sa bench upang dalhin sa baluwarte nila ang kanilang first-round series matapos ang 129-121 panalo nila kontra sa Golden State Warriors sa Game Five.
Bukod kay Williams, nag-ambag din sa tagumpay ng Clippers sina Danilo Gallinari na humugot ng 26 points at pitong rebounds, at si Montrezl Harrell sa kanyang 24 markers.
Matagumpay na napigilan ng Clippers ang comeback effort ng Golden State sa Oracle Arena kung saan din nila ginawa ang pagbangon mula sa 31 point deficit noong Game 2 para sa pinakamalaking comeback sa postseason history ng NBA.
Dahil sa panalong ito, balik sa Los Angeles ang Game Six na gaganapin sa Sabado.
Hindi pa rin makapagdiwang sa pagkakataong ito ang Warriors, na kahit abanse pa rin sa 3-2 ay higit pa sa playoff career-high na 45 points ni Kevin Durant ang kailangan para makabawi.
“I don’t want to get ahead of myself. They’re up 3-2 still, but I just loved how we played, I really did,” wika ni Clippers coach Doc Rivers. “All we talked about is being us. I told our guys, they’ve been them in the series. We have yet to put a game where we are us through the game.”
Sumandal din ang Warriors sa “Splash Brothers” na sina Stephen Curry na umiskor ng 24 points at Klay Thompson 22.
Napako sa 71-63 ang Warriors sa halftime kahit nagpakawala sila ng 10 of 16 mula sa downtown, at hinayaan ang Clippers na magtala ng 56% shooting.