-- Advertisements --
Serena Williams
Serena Williams/ IG post

Nakalusot na sa semifinals ng Wimbledon si US tennis star Serena Williams.

Kasunod ito ng panalo laban sa kapwa American tennis player na si Alison Riske.

Nakuha ng dating number ang score na 6-4, 4-6 at 6-3.

Aminado si Williams na talagang pinahirapan siya ni Riske kaya gumawa na ito ng paraan para tuluyang manalo.

Susunod na makakaharap nito sa semifinals ay si Barbora Strýcová ng Czech Republic.