-- Advertisements --

Binigyan ng TV host na si Willie Revillame ang komediyanteng si Rufa Mae Quinto ng halagang P1-milyon.

Ang nasabing halaga ay bilang tulong nito sa actress dahil sa kinakaharap niyang kaso.

Sa social media account ni Quinto ay ibinahagi ang pagbisita niya sa show ni Willie.

Dito ay may caption ng pagpapasalamat dahil sa pinansiyal na tulong.

Magugunitang pinayagan ng korte ang actress na makapagpiyansa matapos na ito ay sumuko sa NBI dahil sa kinakaharap nitong kaso mula sa mga biktima ng investors ng skin care clinic.