-- Advertisements --

Nagdesisyon ang TV host Willie Revillame na hindi na tatakbo sa anumang posisyon sa 2022 elections.

Sinabi nito na nais niyang ipagpatuloy ang kaniyang TV show dahil sa ganitong paraan ay nakakatulong ito ng mas maraming tao.

Hindi aniya kailangan pang tumakbo sa anumang posisyon para makatulong sa kapwa.

Magugunitang isa ang TV host/actor na napipili ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-senador sa darating na halalan.