-- Advertisements --

Nagbigay ang tv host actor Willie Revillame ng P9-milyon bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa isla ng Siargao.

Willie Revillame
Willie Revillame with Pres. Duterte and Sen. Go/ Sen. Go FB post

Ipapamahagi ng tv host ang tig-1 milyon sa siyam na bayan ng nasabing isla.

Kasama kasi ang actor sa ginawang pag-iikot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lugar na sinalanta ng bagyo.

Paglilinaw ni Willie na ang nasabing halaga ay galing sa mga kinita nito sa kaniyang programa at ilang endorsements.

Ipapaubaya nito sa mga alkalde ang tig-P1-milyon na sila na ang magpapamahagi sa kanilang mga nasasakupan.