-- Advertisements --

Nagpaliwanag ang organizer ng Wimbledon tennis sa kalagayan ng kanilang grasscourt.

Kasunod ito sa pagkakadulas ni Seven-time champion Serena Williams kaya napilitan itong hindi ituloy ang laro sa unang round ng torneo.

Maging si French tennis player Adrian Mannarino ay umatras na rin ng madulas at nagtamo ng injury sa kaniyang tuhod.

Paliwanag ng organizers na hindi nagamit noong nakaraang taon ang nasabing playing court dahil sa COVID-19 pandemic at ito ay inayos lamang ilang buwan bago ang torneo.

Bawat grasscourt ay mahigpit na sinuri ng Gran Slam Supervisors, Referee Office at mga Grounds team.

Isa sa dahilan din ng pagiging madulas na court ay dahil nakaranas sila ng pag-ulan noong nakaraang mga araw.