-- Advertisements --
Sa unang pagkakataon matapos ang 147 taon ay nagpasya ang Wimbledon an tanggalin na ang mga line judges sa lahat ng kanilang courts tuwing may tournaments.
Ayon sa All England Club na simula 2025 championships ay gagamit na sila ng electronic line calling (ELC).
Ang ELC ay siyang papalit sa mga line judges na nagtatawag ng “out” o “fault” tuwing may laro at gagamitin din to tuwing may Wimbledon qualifying match.
Sinabi ni All England Club chief executive Sally Burton na ang desisyon ay ikinonsidera matapos ang ilang konsultasyon.
Una ng gumamit ang Australian Open ng ELC sa lahat ng tennis court mula pa noong 2021 habang ang US Open ay ang ilang mga court lamang nila.