-- Advertisements --
image 102

Inalis na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang lahat ng mga tropical cyclone wind signals na itinaas nito sa lalawigan ng Catanduanes.

Sa gitna ito ng unti-unting pagkilos ng bagyong Rosal palayo sa Pilipinas kasabay ng inaasahang posibleng paghina pa nito sa tropical depression dahil sa naging epekto na rin dito ng northeast monsoon o hanging amihan.

Sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang nasabing bagyo sa layong 355 kilometers silangan-hilagang-silangan ng Infanta, Quezon, o 290 km silangan ng Casiguran, Aurora.

Kung saan napanatili pa ng nasabing bagyo ang taglay nitong maximum sustained wind nito sa 45 kilometers per hour, at gustiness na hanggang 55 kph, habang kumikilos ito pa-hilaga sa bilis na 10 kph.

Ayon pa sa kagawaran, kaugnay nito ay maaaring magpatuloy pa rin sa pagdadala ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malakas na mga pag-ulan ang bagyong Rosal sa mga lalawigan ng Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, at Bicol Region ngayong araw, Disyembre 11.

Habang nasa light to occasional heavy rains naman ang posibleng maranasan sa mga lalawigan ng Aurora, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at hilagang bahagi ng Western Visayas.