Mahigpit pa ring ipinatutupad ang lockdown sa mga danger zone dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Sa panayam kay NDRRMC Executive Usec. Ricardo Jalad sinabi nito na hindi pa rin safe na bumalik ang mga residente dahil napaka delikado dahil posibleng sumabog pa ang Bulkang Taal.
Sinabi ni Jalad ang western side ng volcano island ang totally damage at dito napunta ang volume ng mga ash fall kaya halos lahat ng mga kabahayan ay puno ng abo.
Sa southern part naman ng lugar ay dito makikita ang mga ground fissure at kung saan karamihan naitala ang volcanic earthquake.
Base raw sa pahayag ng Philvocs sa ilalim umano nito ay may mga movement ng magma na siyang nagre-replenish sa Taal volcano kaya may panganib pa rin na sumabog ito ng malakas.
Ang bayan ng Lemery ang nakitaan ng may maraming mga ground fissures.
Pinatigil na rin ng ilang mga LGUs ang pagpapatupad ng window hours para sa mga kababayan natin na makauwi sa kanilang mga tahanan.
Ayon kay Jalad pinauubaya na rin nila sa LGU kung papayagan pa ang mga residente na makauwi kahit dalawang oras lamang.