-- Advertisements --

Tuloy pa rin ang ginagawang “window shopping” ng mga kagamitan ng ilang mga opisyal ng defense department sa bansang Russia.

Ito’y kahit sinabi ng isang mataas na opisyal ng United States na pag-isipang mabuti ng Philippine government ang gagawing procurement ng submarine lalo na kung sa bansang Russia ito bibilhin.

Una nang sinabi ni US Assistant Defense Secretary Randall Schriver na mas maigi kung sa bansang kaalyado na ng Pilipinas bibilhin ang submarine na planong i-acquire ng Philippine Navy bilang bahagi ng AFP modernization program.