-- Advertisements --

Nagtapos na ang winning streak ni Filipino road warrior Mark “Machete” Bernaldez matapos matalo sa pamamagitan ng fourth-round knockout kay unbeaten American prospect Cain Sandoval noong Sabado, Pebrero 22, sa Chumash Casino sa Santa Ynez, California.

Sa record ni Bernaldez, mayroon itong magkasunod na panalo noong 2022.

Sa laban ni Bernalez nakakuha ito sa umpisa ng magandang galaw ngunit hindi nakayanan ang kamao ni Sandoval na may rekord na 15-0; 13 knockouts, ay nagamit ang momentum at nagbigay ng malupit na body shot na nagpahina kay Bernaldez.

Samantala sa pagsisikap ni Bernaldez na manatiling nakatayo, mabilis na sinundan siya ni Sandoval ng matalim na right overhand, na nagpadapa sa Filipino veteran. Sinubukan ni Bernaldez na bumangon ngunit hindi nakaya ang count, kaya’t inihinto ng referee na si Rudy Barragan ang laban sa ika-34 segundo sa ikaapat na round.

Ang pagkatalo ay nagbigay kay Bernaldez ng rekord na 25-6 na may 14 knockouts.

Ito na ang kanyang ika-10 laban sa Estados Unidos at ang kanyang unang laban mula noong 2022. Bagamat nakapuntos ng solidong mga suntok sa mga unang round, tila ang matagal na paghinto sa laban ay nagdulot ng kahinaan, na naging sanhi ng kanyang pagkatalo kay Sandoval.