Naging simple lamang ang ginawang Olympic torch relay bilang bahagi ng nalalapit na pagsisimula ng Winter Olympics sa Beijing China sa darating na Pebrero 4.
Mahigit 1,000 torchbearers ang magdadala ng torch sa iba’t-ibang mga competition areas sa Beijing at sa kalapit na lungsod na Zhangjiakou.
Pinangunahan ni Chinese Vice Premier Han Zheng ang pagsindi ng torch nitong Miyerkules bago ipasa ito sa tatlong runners.
Kinabibilang ito nina 80-anyos na si Luo Zhihuan ang dating speed skater na nanalo ng winter sports noong 1963, ang austronaut na si Jing Haipeng at Chang’e 1 satellite designer Ye Pijian.
Dadaan ang torch sa mga kilalang lugar sa China gaya ng Summer Palace sa Beijing, sa bahagi ng Great Wall bago tuluyang dumating sa opening ceremony sa “Bird’s Nest” Stadium.
Nagsimula noong Oktubre ang pagbiyahe sa Beijing ng torch mula sa pinagmulan ng Olympics sa Greece kung saan naging limitado lamang ang pinayagang manood dahil sa COVID-19 pandemic.
Gagawing sealed ‘bubble’ ang torneo kung saan walang no contact sa pagitan ng mga participants at publiko para hindi na kumalat pa ang nasabing virus.