-- Advertisements --

Nagtala ng Beijing Olympics organizers ng 72 kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Ang nasabing mga kaso ay mula sa 2,586 na Games-related personnel na pumasok sa China mula Enero 4 hanggang 22.

Wala umanong kaso sa 171 na mga atleta at team officials ang naitala na dumating mula sa nasabing period.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang pinal na preparasyon ng organizers ng Winter Olympics na magsisimula sa Pebrero 4 hanggan 20.

Sa nasabing bilang na kumpirmadong dinapuan ng COVID-19 ay 39 sa mga dito ay napag-alamang nagpositibo ng isailalim sa testing sa paliparan habang ang iba ay nalaman na lamang na nagpositibo ng isailalim sa testing habang nasa bubble loop.