-- Advertisements --
Nakatakdang mag-imbita ng mas maraming audience ang China para dumalo at manood ng Winter Olympics.
Ito ay dahil sa itinuturing nilang kontrolado na ang pagkalat ng COVID-19 sa ipinapatupad nilang “Closed-Loop” bubble.
Sa nasabing set-up kasi ay hiwalay ang lahat ng mga personnel mula sa publiko.
Sinabi ni Huang Chun ang director ng Beijing organizers’ pandemic prevention and control office, ibabase nila ang demand ng kung kinakailangan ang nasabing ang pag-imbita ng mga manonood sa mga laro.
Nauna rito hindi na nagbenta ang China ng mga ticket sa publiko dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID-19.