-- Advertisements --

Napiling maging host ng coronation night ng MIss World Philippines 2021 sina 2017 Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez at Miss Eco International 2018 Thia Thomalla.

Makakasama nila sina 2018 Reina Hispano Filipina Alyssa Muhlach, RJ Ledesma at ang actor na si Xian Lim.

Isinagawa ng Miss World Philippines Organization ang anunsiyo sa kanilang social media page para sa pageant na gaganapin sa Hulyo 25.

Sa kaniyang Instagram account nagpost ng larawan si Winwyn Marquez at nagpasalamat ito matapos na mapiling maging host.