-- Advertisements --

Nilinaw ni Teresita Ssen “Winwyn” Marquez na siya ay masaya at kontento, bagama’t hindi masyadong “vocal” pagdating sa kanyang bagong lovelife sa pagkakataong ito.

Winywin

Ayon sa 29-year-old actress/beauty queen, nais niya lang maging pribado ang naturang bahagi ng kanyang personal na buhay lalo’t “very private person” din ang non-showbiz boyfriend.

“Iniiwasan ko talagang… siyempre there’s a part of me na gusto ko sa akin lang. Pero ‘di ko siya tinatago. I am really in love,” nakangiting sambit nito sa pep.

Samantala, “deny nor confirm” pa ang anak ng komedyanteng si Joey Marquez at beteranang aktres na si Alma Moreno sa lumabas na “blind item” na nagtuturo sa kanya na umano’y buntis daw.

Aniya, nakarating sa kanya ang pag-tag ng netizens sa nasabing blind item pero tanging masasabi sa ngayon ay mayroon siyang alagang “babies” na apat na pusa at isang aso.

Gayunman, tila nagpahiwatig ito sa nakatakdang pagharap sa grand press conference ng kanilang Metro Manila Film Festival entry sa darating na December 18.

“Siyempre magpro-promote ako. That’s what I’m doing here. It’s just that everything’s online right now for safety din… I think they’ll know there,” wika nito muli sa pep.

Si Winwyn ay pamangkin ni 1979 Miss International Melanie Marquez at ex-girlfriend ng actor/dancer na si Mark Herras.

Kasal na si Herras sa newbie actress na si Nicole Donesa at mayroon na silang isang anak.

Kung maaalala, si Marquez ang first ever Pinay na tinanghal bilang Reina Hispanoamericana noong 2017.