-- Advertisements --

Tila panibagong paghuhugutan ng inspirasyon ni Teresita Ssen “Winwyn” Marquez sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Noong nakaraang linggo nang kumpirmahin ng 29-year-old actress/beauty queen na siya halos six months pregnant sa kanyang non-showbiz boyfriend, pero nitong bisperas ng Pasko lang nang isapubliko ang larawan kung saan kita na ang baby bump.

“A lot has happened lately.. from the pandemic to natural disasters and so much more but at least for one day we get a boost of hope that we so dearly need. It might not be okay in an instant and might take a while but we must stay optimistic… Let’s hold on to our faith and pray that everything will be alright,” wika ni Marquez kasabay ng pagbati sa araw ng Pasko.

Una nang nilinaw ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez na naghintay lamang siya ng tamang panahon bago ianunsyo sa publiko na siya buntis lalo’t “very private person” ang kasintahan.

Sa kanyang five-minute video, inamin ni Winwyn na isa ang usaping pagkalusugan niya ang dahilan kaya pansamantala siyang nag-break sa kanyang career.

Ang first ever Pinay Reina Hispanoamericana noong 2017, ay pamangkin ni 1979 Miss International Melanie Marquez at ex-girlfriend ng actor/dancer na si Mark Herras.

Kasal na si Herras sa newbie actress na si Nicole Donesa at mayroon na silang isang anak.