Naghintay lamang daw ng tamang panahon si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez bago ianunsyo sa publiko na siya nagdadalang-tao na.
Sa kanyang five-minute video, inamin ng 29-year-old actress/beauty queen na isa ang usaping pagkalusugan niya ang dahilan kaya pansamantala siyang nag-break sa kanyang career.
Kasunod nito ay ipinakita niya ang pagpunta sa doktor, gayundin ang resulta ng pregnancy test, at ang reaksyon ng kanyang mga magulang na sina Alma Moreno at Joey Marquez.
Ayon pa sa first ever Pinay na tinanghal bilang Reina Hispanoamericana noong 2017, sobrang saya nila ng kanyang partner para sa ibinigay na blessing na ngayon ay halos six months na sa kanyang sinapupunan.
“We’re over the moon and I’m so excited for this part of our life and for this chapter to start. Very emotional, actually. I’m so happy I finally shared sa inyo. I really waited… we waited for the right time to tell everyone about it, so please pray for us,” wika ni Marquez sa press con ng pinagbibidahang niyang Metro Manila Film Fest official entry ngayong taon.
Kamakailan lang nang aminin ni Winwyn na siya ay masaya at kontento, bagama’t hindi masyadong “vocal” pagdating sa kanyang bagong lovelife sa pagkakataong ito.
Nais niya lang daw maging pribado ang naturang bahagi ng kanyang personal na buhay lalo’t “very private person” din ang non-showbiz boyfriend.
“Iniiwasan ko talagang… siyempre there’s a part of me na gusto ko sa akin lang. Pero ‘di ko siya tinatago. I am really in love,” nakangiting sambit nito sa pep.
Si Winwyn ay pamangkin ni 1979 Miss International Melanie Marquez at ex-girlfriend ng actor/dancer na si Mark Herras.
Kasal na si Herras sa newbie actress na si Nicole Donesa at mayroon na silang isang anak.