-- Advertisements --

Inanunsiyo ng actress-beauty queen Winwyn Marquez na tuluyan na tuluyan na itong magreretiro sa pagsali sa mga beauty pageatns.

Sa kaniyang social media account, nagpost ito ng larawan at pinasalamatan niya ang kaniyang mga fans.

Nakahanda aniya na siyang mag-move on sa panibagong kabanata niya sa buhay.

Unang sumali ang actress sa Binibining Pilipinas noong 2015 kung saan nagkamit ito ng tatlong award gaya ng Best National Costume, Best in Talent at “She’s so JAG” awards.

Taong 2017 ng sumali siya sa Miss World Philippines at kinoronahan bilang Reina Hispanoamerica.

Sa taon din yun ay naging unang Asian at Filipina na kinoronahan bilang Miss Reina Hispanoamericana sa pageant na ginanap sa Sta. Cruz, Bolivia.

Si WinWyn ay anak ng komedyanteng si Joey Marquez at actress Alma Moreno habang ang tiyahin nito na si Melanie Marquez ay dati MIss International noong 1979.