Dasal ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang patuloy na tagumpay, mahusay na kalusugan, at lakas upang patuloy na maisulong ang bansa tungo sa higit pang kaunlaran para sa kanyang pinsan na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw.
” On behalf of the House of Representatives, I wish you continued success, good health, and the strength to keep moving our beloved nation forward. May this year bring even more outstanding achievements and fulfillment,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Tiniyak din ni Speaker Romualdez, ang lider ng mahigit 300 kinatawan at pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang suporta ng Kamara de Representantes sa kanya para sa isang Bagong Pilipinas.
Ipinaabot din ni Speaker Romualdez ang kanyang kasiyahan at pagmamalaki sa kung paano umunlad ang karera sa politika ni Pangulong Marcos.
” On this special day, I extend my warmest greetings and deepest appreciation for the remarkable leader and individual you have become. Happiest birthday, Mr. President!,” wika ni Speaker Romualdez.