-- Advertisements --

Nanindigan si Ombudsman Samuel Martires sa hiling nitong ibasura ng korte ang mga kaso ni dating Pangulong Noynoy Aquino na may kinalaman sa Mamasapano incident.

Nitong araw nang ipagpaliban ng Sandiganbayan ang pagdinig sa mosyon ni Martires na nagpapa-withdraw sa usurpation at graft cases ni Aquino.

Ayon kay anti-graft court 4th division chairperson Assoc. Justice Alex Quiroz hihintayin pa nila na tanggalin ng Supreme Court ang temporary restraining order na ipinataw sa mga kaso.

Hindi naman ito hinarang ng kampo ni Aquino na sang-ayon sa hakbang ng Ombudsman.

“We are in favor of withdrawing the information, Your Honor,” ani Atty. Jason Aguilar.

Nais ng kampo ng petitioners na homicide ang ipalit na kaso sa dating pangulo at kapwa akusado na sina dating PNP chief Gen. Allan Purisima at former Special Action Force chief police major Gen. Getulio Napenas.

Naniniwala ang anti-graft chief na walang sapat na basehan para madiin ang mga former admin officials sa naturang mga kaso na isinampa ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

“No president of the Republic of the Philippines must be accused of usurpation of power while in office, anyone who claims otherwise should go back to college, I am sorry to say that,” ani Martires.

Sa ngayon naghain na rin daw ng manifestation ang tanggapan sa Kataas-taasang Hukuman na nagpapaalam sa withdrawal motion nito sa mga kaso nila Aquino.