Isa pang player ng Washington Wizards ang nagpositibo rin sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma ng koponan sa harap na rin ng pagsisimula sana ng pre-season workouts ngayong araw.
Aminado si Wizards coach Scott Brooks na na-delay tuloy ang pagsisimula nila ng individual player workouts.
Sa sunod na Biyernes kasi ang simula naman ng group sessions.
Tumanggi naman si Brooks na kilalanin ang player na tinamaan ng deadly virus.
Bago ang anunsiyo ng Wizards, kinumpirma rin naman ng Warriors na dalawa ring players nila ang nagpositibo sa COVID.
Una nang naglabas ang NBA ng health-and-safety protocol guide na kung sakaling merong player na magpositibo sa COVID kahit na ito ay asymtomatic ay kailangang mag-quaratine ng 10 araw.
Kung sakaling magsimula na sa workout kailangang i-monitor ulit ng dalawang araw ang player.
Batay pa sa patakaran, kailangan din na dalawang beses na magnegatibo sa PCR test ang isang player.
Kung maalala bago ang NBA bubble kamakailan maraming players at mga staff ang nagpositibo sa coronavirus na umabot sa mahigit 30.