-- Advertisements --

Nagpahayag ng interest na makapaglaro sa Gilas Pilipinas si Washington Wizards star Kyle Kuzma.

Sinabi nito na nais niyang makasama si Jordan Clarkson para makapaglaro sa Gilas Pilipinas.

Dagdag pa nito na maari itong ipursige kapag hindi siya nakuha ng USA Basketball Team.

Noong 2019 FIBA Basketball World Cup kasi ay nakatakda na sana itong maglaro sa Team USA subalit hindi natuloy matapos na magtamo ng injury sa kaniyang paa.

Tingin naman ng mga basketball experts na mahihirapan ang 29-anyos na si Kuzma na makapaglaro sa Gilas dahil sa papayagan lamang ng FIBA ang isang naturalized player sa bawat international competitions.

Tanging si Clarkson lamang ang itinalagang naturalized player ng bansa dahil isang Pinay ang kaniyang ina.