Nagwagi ang Cleveland Cavaliers matapos tambakan ng 39 points ang Washington Wizards sa iskor na 140-101.
Apat ang nagtala ng double digit scoring sa panig Cavaliers na may kabuuang 84 big points.
Nanguna sa opensa ng Cavaliers si Max Struss na may kabuuang 24 points, 4 rebounds at 3 assists.
Double-double performance naman si Jarrett Allen na kumamada ng 17 points, 19 boards at may 7 assists.
Nagbuhos din Caris LeVert ng 21 points habang 22 points naman si Donovan Mitchell.
Nalimitahan ng Cavaliers ang scoring ng key player ng Wizard na si Jordan Poole na meron lamang 8 points.
Dinepensahan kasi siya ng husto at hindi rin hinayaan ng Cavaliers na mawala pa sa kanila ang kalamangan mula sa first half.
Dahil sa talo ng Wizards may kabuuang 6-27 win loss record sila sa eastern conference standing habang umakyat naman sa ika 7 ang Cleveland Cavaliers na may kartadang 19-15 win loss record.