-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Women NBA Champion at New York Liberty superstar Sabrina Ionesco sa susunod na buwan.

Ito ang unang pagbisita ni Ionescu sa Pilipinas mula noong huli siyang magtungo rito noong 2018 FIBA 3×3 World Cup bilang bahagi ng US Women Team.

Isa ang Pilipinas sa mga pupuntahan ng WNBA star kasabay ng kaniyang kauna-unahang Asian tour habang nasa offseason ang liga.

Magsisimula ang kaniyang mga opisyal na aktibidad sa Pilipinas sa March 10 kung saan nakatakda siyang makipagkita sa ilang mga baguhang basketball player, mga kapwa atleta, at mga basketball coaches sa bansa.

Nakatakda rin siyang sumali at makalaro ang pinakamagagaling na professional at collegiate basketball player sa Pilipinas.

Sa March 11, muling sasabak si Ionescu sa isang exhibition game at isang 3-point shootout challenge bilang culmination ng kaniyang Manila visit.

Lahat ng aktibidad ng WNBA shooter ay magiging bukas at libre sa publiko.

Samantala, pagkatapos sa Manila ay tutuloy si Ionescu sa Guangzhou at Hongkong bilang bahagi ng kaniyang Asian Tour.