-- Advertisements --

Magdagdag ng panibagong team ang WNBA sa kanilang 2026 season.

Ayon sa WNBA na magkakaroon ng expansion club sa Portland, Oregon kung saan ito na ang pang-15 koponan ng liga.

Ang Portland club ay pag-aari ng RAJ Sports na pinangungunahan nina Lisa Bhathal Merage at Alex Bhathal ang may-ari din ng National Women’s Soccer League’s Portland Thorns.

Ang Portland na mayroong WNBA team na tinawag na the Fire mula 2000-2002 ay naging pangatlong expansion host city ng WNBA.

Ilulunsad naman sa 2025 sa San Francisco ang Golden State Valkyries at ang Toronto team ay magsisimula sa Portland sa 2026.