-- Advertisements --

Nagtala ng record si WNBA rookie Angel Reese.

Siya lamang kasi ang unang rookie sa WNBA na mayroong pitong magkakasunod na double-doubles.

Sa laro kasi ng koponan niyang Chicago Sky ay mayroong 16 points at career-high na 18 rebounds para talunin ang Dallas Wings 83-72.

Sinabi nito na isang malaking hamon para sa kaniya ang nakamit na record.

Target niyang mahigitan ang WNBA record ni Candace Parker na mayroong 12 straight double-doubles.

Sa kasalukuyan kasi ay mayroong 12.4 points at 10.8 rebounds per games si Reese.