-- Advertisements --
Nakatakdang maglabas ng kaniyang libro si WNBA star Brittney Griner.
Sinabi nito na posible sa susunod na taon ay mailabas na niya ang kaniyang libro.
Laman nito ang kaniyang karanasan noong siya nakakulong sa Russia.
Itinuturing nito na ang pangyayari na iyon ay siyang nagpabago sa kaniyang buhay.
Magugunitang noong Pebrero 2022 ay inaresto sa paliparan ng Moscow si Griner matapos na makitaan ng iligal substances sa loob ng kaniyang vape.
Nasa Russia si Griner para maglaro sa isang exhibiton game noong nangyari ang insidente.
Napakawalan lamang siya matapos ang pagkikipag-usap ng US at Russia kung saan pumayag sila sa prisoners swap kapalit ang notorious na arms dealer na si Viktor Bout.