-- Advertisements --

Kinumpirma ng USA Basketball chiefs ang hindi pagsali sa Paris Olympics ni WNBA star Caitlin Clark.

Sinabi ni USA Basketball Women’s National Team Committee chair Jennifer Rizzotti, na mas pinili nilang isabak sa Paris Olympics sa Hulyo ay yung mga may karanasan ng maglaro sa mga international games.

Si Clark kasi ay bagong pasok lamang sa WNBA matapos ang tagumpay nito sa college basketball.

Ang 22-anyos na si Clark ay kinuha ng Indiana Fever matapos ang kasikatan nito sa college basketball na siyang nagtulak sa mas maraming mga kababaihan ang nanood ng basketball.

Magugunitang mula ng ianunsiyo ng 15-listahan na sasabak sa Paris Olympics at wala ang pangalan ni Clark ay maraming mga fans ang nadismaya at nagalit.

Hindi naman masama ang loob ni Clark matapos na hindi mapili dahil alam nito baguhan pa lamang siya kung saan umaasa ito na sa mga darating na panahon ay makakapaglaro na rin ito sa Olympics.