-- Advertisements --
Inanunsiyo ni WNBA star Diana Taurasi na ito ay magreretiro na sa paglalaro.
Sa kaniyang social media account, isinagawa ang anunsyo matapos ang 20 season na paglalaro sa Phoenix Mercury.
Itinuturing siya bilang WNBA career scoring leader at three-time league champion.
Sinabi nito na mentally and physically full na ito at wala ng ibang papatunayan.
Naging susi si Taurasi na madala ang UConn sa tatlong sunod na kampeonato mula 2001 hanggang 2004.
Ang 42-anyos ay nagwagi ng kaniyang ika-anim na Olympic gold medal sa Paris Games at mayroon itong WNBA career points na 10,646.